Feeling ko Friday ngayon. Leave kasi ako bukas kaya siguro ganon. Uuwi muna ako sa aking sayote kingdom sa Baguio. Magha-hibernate on my birthday. 😀 😀 😀
Anyway, iba ang gusto kong ikuwento ngayon.
Last week, nagmessage sa akin yung pamangkin ko.
“Tita, ni-meet po kami kanina sa school about graduation. 2K daw ang graduation fee pag hindi mag-aattend tapos Php 6,500.00 pag mag-aattend.
Pusang gala. Shocked is an understatement. Bakit ganon kamahal ang fee na yan?! Ginto ba ang gagamiting panulat sa diploma?!
Nung nahimasmasan ako, inusisa ko kung bakit ganon kamahal. Binigyan ako ng breakdown nung Php 6,500.00. Tapos dito raw sa Manila ang ceremony para sama-sama lahat ng Informatics graduating students. Not sure lang if nationwide kasi kamusta naman ung mga by air pa ang travel di ba?
Pero hindi pa kasama dyan ang fare and accommodation ng mga isasama nilang kapamilya. Napa-OMG uli ako. Gastos, gastos, gastos ang lumilipad sa isip ko. Hahaha! Hanggang pang tuition lang kasi ang naisama ko sa budget ko eh hahahaha.
Pero syempre gusto ko pa rin mag-attend sya ng graduation at gusto ko syang rumampa sa stage ‘no! Culmination din kasi yun ng lahat ng hirap and sacrifices nya. Single mom pa sya at neneng-nene nung nagka-anak. I’m not privy to their set up ng magulang nya pero given na yan na mahirap i-balance ang everything.
Buti na lang sa May pa ang graduation kasi may OJT pa sila. So may time pa para mag-ipon kasi syempre di lang naman yun ang gagastusin nya. May pamasahe pa sila ng nanay nya, damit, sapatos, muk-ap at syempre pang-buffet! Hehehehe. Kailangan kasama ang pagkain. This is a celebration!!!
Pero yung totoo, nung nagsink in na sa aking graduation na nga ang pinag-uusapan namin, naiiyak na natutuwa na na-eexcite ako. Ganito siguro din ang naramdaman ng nanay ko nung ga-graduate na ako ng college hehehehe. Pero akalain mo yun, 2 years na pala since nagstart sya with her associate degree.
At na-touch naman ako kasi sabi ng nanay nya, ako na lang daw ang mag-eescort sa kanya. Pero hello! Big no. Ate ko pa rin syempre. Tuition lang naman ang galing sa akin. The rest ng gastos, kanila na. I’ll have my chance with my own kids in the future hehe.
Pero dahil shocked pa rin talaga ako sa babayaran, sinabihan ko na yung isang pamangkin ko na ate nya na ihanda na nya ang pamasahe ng nanay at kapatid nya hahahahaha. Tapos sinabihan ko na rin ang kuya ko na i-sponsor ang sapatos hehehehe. Nasabihan akong stage mom ng kaibigan ko nyahahahaha!
Then sinabihan ko yung isang tita namin na mag-ipon na sya ng pamasahe nya para makasama sya. Tapos naisip kong mag-Tagaytay na rin kasi di pa ata uli nakabalik ang ate ko don after ikasal ng kuya ko. Oha. Budget na lang. Walang budget pero nakapagplano na nang dahil sa excitement hihihi.
Pero ito ang winner. A few hours later, may pinakitang email sa akin ang boss ko. Good news for a potential windfall. Pag natuloy yun, solved ang budget hahahaha.
Pero yung talagang totoong totoo, sobrang thankful ako na nagpursigi sya kahit nasermonan ko sya ng bongga the first time she did something offensive. Sobrang galit talaga ako that time pero nanalig pa rin akong di naman na siguro uulit so pwede pa ang second chance. And again, I’m glad I did that. Otherwise, di ko rin ma-eexperience ang ganitong klaseng happiness and excitement. Iba mga bes. Hehehehe.
Thank you, Lord for guiding us all in this journey.
Bow.
Recent Comments