Shared this in my FB this afternoon while waiting for a cab/jeep to town. I also want to post it here.

Namiss ko bigla ng mas matindi ang nanay ko kagabi so nirerecall ko ang mga memories with her habang tinititigan itong cabinet. At naalala ko ang convincing powers nya 😀 😀 😀 .

Few days before Christmas 1998:

Mama: Bili ka ng cabinet mo para may remembrance ka sa DOST allowance mo. (sa mga boxes lang kasi nakalagay ang mga damit namin noon dahil hindi lahat kasya sa isang aparador lang hehe)
Me: Ay mahal ang cabinet.
Mama: Hindi, may tig 500 lang.
Me: Sure ka?
Mama: Oo, kaya bili na tayo sa December 23 para sabay na sa delivery ng gulay. Sakto si Kuya Jackson nyo rin ang magsasakay pauwi.
Me: Sige, basta 500 lang talaga ah.

December 23, 1998 – Balingit Home Furnishing

Tingin-tingin ng cabinets. Walang tig 500.

Me: Mama ang mahal naman! Asan ang tig 500?!
Mama: Tatawad ako.

At ang pinakamababang price na pwedeng ibigay sa amin Ay Php 2,300.00. 500 pala ha!

Me: 500 lang dala ko.
Mama: Magwithdraw ka na. Alam ko may extra ka. Ikaw rin naman gagamit nyan para de susi na mga gamit mo.
Me: Haaayyyy. Sige kung bukas pa ang bangko.
Mama: O umalis ka na at bilisan mo!

At nabili ang mahiwagang cabinet na buhay pa rin until now.

Ngayon ko na lang din naisip na baka nga nakita ng nanay ko ang libreta ko dati at alam nyang may extra pa ako kahit after ko mabayaran tuition ko kaya ang confident nyang pabilhin ako ng cabinet. Adik lang.  😛  🙂  😀

cabinet

I’m that cabinet in this story 🙂

On the other hand, jeep/taxi, wer na you? Magsasarado na uli ang bangko hehehe.