November 14 – 20, 2016
Work
The project is moving along just fine, thank God. I hope there are no more bumps moving forward.
The boss asked me to join her in one of the meetings. I’ll have a new project by next year. Not sure yet if we start with the works this year but hopefully, next year na hehe.
Ubusan ng budget since the year is about to end. San kaya kami pupulutin sa team building? Hehe.
Hirap maging creative sa Kris Kringle so ayun, pinapanindigan ko na lang ang hindi ko pagka-creative hahaha.
Last Monday, the theme was sweet and soft. Yung isang teammate namin, white sugar at cotton balls. Wais di ba? Palakpakan kami! Hahaha. Ako? Ayun, sakto kasi may nabili akong marshmallows sa S&R the week before. Para dapat sa kids pero dahil swak sa sweet and soft, yun na lang binigay ko. Tapos marshmallows din naman natanggap ko hahaha. Karamihan puro marshmallows!
Weekend
Aside from some domestic chores and then bumming, a friend and I went to S&R on Sunday to check out what’s new/what’s on sale this week. We bought a Palmolive dishwashing liquid since buy 1, take 1 so lalabas na Php 135 na lang for an almost 800 ml bottle. Pwede na.
We went to Shang after to window shop and kill time. Mga walang magawa hahaha.
I attended the very last mass na kasi late akong nagising nung morning hehehe. Kahit yung last morning mass ng 11:15 AM, di ko na maaabutan. Ganon ka-late hihi. And yesterday was the last Sunday of the liturgical year. Next week, Advent na. Di nga? Ganon kabilis? My takeaway from the mass: WWJD – What would Jesus do? Every time daw we have problems or decisions, we can always ask WWJD? Tumpak naman.
I also had a home service massage at night. Swerteng may available silang therapist. Ginhawa after. Pero ewan ko ba kung bakit imbes na makatulog ako ng maaga, inabot ako ng umaga bago makatulog! Kaloka.
Others
Last Friday pala, the Uber surge was so high so I decided to drop by my branch of account to pick up some EIP COPs. Akalain mong 3 ang nakuha ko for my niece and 2 lang sa akin? Hehehe. But I’m happy that she is religiously allocating for her investment accounts. At sana hindi sya pumalya talaga kasi sayang naman ang opportunity to start investing while she’s young.
I am contemplating on a new project. Ate ko naman ang i-coconvince kong mag-open ng SSS nya kahit voluntary lang at kahit yung lowest amount lang para naman may pension sya kahit konti lang pag senior citizen na sya. She’s already 49 years old. I already asked my niece to check if she can spare kahit Php 110/month lang. Sana pumayag silang 2 hehehe.
My MERALCO consumption is still below 100 kwh last billing so less than 700 lang uli ang bill ko! So now, I’m more convinced that the TV is the culprit. I seldom watched TV the past month. Siguro wala pang 10 hours total. Old model na kasi yung TV ko. Di pa nga sya LCD eh so hindi pa uso dati yung mga energy saver eklat. At syempre wala naamn akong balak pang palitan. Hinihintay ko kasing maging mura na yung mga curved models na uso ngayon hahahaha. Inaawitan na actually ng kapatid kong iuwi ko na raw sa Baguio. Minsan gusto ko na pero most of the time ayaw ko pa hahaha!
Lastly, I want a repeat of our holidays last year when my nieces, cousins, tito, and tita visited Tagaytay. Ang saya-saya kasi non. So tipid-tipid pa more para may pandagdag sa December 2016 budget hehehe. Gusto ko kasama ate ko. Sinabihan ko na yung pamangkin ko na bigyan sya ng pamasahe. Christmas gift na nya sa nanay nya hehehe. Sana matuloy. We’ll see.
Ok, have a great week ahead.
P.S. Ang hirap mag-isip ng title 😛 😀 !
Yung MIL at SIL ko ang mahilig sa home service massage. Ako naman mas gusto ko matulog ng matagal, at tumunganga, dyana ko mas narerelax, hahaha. Pero gusto ko magpa full body scrub one weekend! 🙂
Masaya ang lakad pag pamilya ang kasama. Kahit ako natutuwa pag nakakakita ng pamilyang masayang lumalabas together, maski sa resto pa yan, sa mall or sa iba pang pasyalan. Iba yung feeling talaga. Push nyo yang Tagaytay trip na yan! 🙂
Body scrub, go! Once ko pa lang ata nagawa yun more than a decade ago at hanggang ngayon, tawang-tawa kami ng friend ko kasi para kaming mga lumpia o suman dahil binalot kami sa plastic hahaha. Kaya siguro di ko pa inattempt gawin uli hehe.
Mas mataas yung chance na itutuloy namin ang Tagaytay trip. Sana nga, tuloy na tuloy talaga :).