October 31, 2016
Magkikita kami ng tita ko dahil bibisitahin namin yung kamag-anak naming maysakit. Sinama ko mga pamangkin ko at isang anak ng pinsan ko. Sya ang representative ng pinsan ko since hindi sya makakasama.
Sabi ko, paradahan na lang magkikita para diretso na sa bahay ng kamag-anak namin. Aba naglambing. Hindi daw. Magpakain daw muna ako. Sa Mang Inasal daw para may unli-rice. E di syempre dahil feeling generous ako that day, sige na ngaย ๐ . Pero sa loob-loob ko, compute compute sabay, naku Mylene, isang ulam per meal na lang pwede mong bilhin in the next 4 weeks! Hahaha!
Meet up sa Mang Inasal sa isang mall. Puno. Daming tao.
Me: Tita, puno. Ayaw tayong pakainin dito. Diretso na lang tayo since for sure magkakape naman tayo kina tita J. Pwede na yun!
Tita: Grabe ka! Gutom na gutom na ako. At bumiyahe pa ako.
Taga-Atok sya, mga ilang bundok din yun away from Baguio.
Me: Puno eh. Ni-check na nila kanina, walang bakanteng upuan kahit sa taas.
Tita: Punta tayo sa isang Mang Inasal. Mas maluwag don. Sigurado may mauupuan tayo.
Me: Ay wow! Kabisado lahat ng branches! Ikaw na! Hahaha!
So, lipat sa isang branch. Nag-order. Unli-rice for everyone except for the kid.
After a few minutes, everyone starts ordering for second serving of rice. Ay, gutom nga sila hehehe.
Tita: Rice, please.
Lumapit si server sa table namin, binigyan lahat ng nanghingi.
Server: Kayo po, ma’am?
Pinag-iisipan ko pa kasi if oorder pa ako, kasi di ba sayang naman yung binayaran kong unli-rice…so…
Me: Yes, please.
Niece: Tita, DIET! (medyo pabulong naman pero rinig ng lahat!)
Lahat sila: Tawanan!
Mga walanghiya, pagkatapos kong bayaran ang kinakain nila pati na ang unli-rice nila!?!!! Hmp! Che! Hahaha!
Me (dami agad naglaro sa isip ko hahaha!):
Lingon sa kanan – uy, fire exit, labas na kaya ako dito?!
Lingon sa kaliwa – ay don nga pala yung entrance. walk out na kaya ako?!
Tingin kay pamangkin na tatawa-tawa – pipingutin ko na ba ito? Isasakay ko na ba ‘to sa taxi pauwi?
Tingin kay server na naghihntay kung gusto ko pa – miss, rice please. di pa ako nagbe-breakfast eh.
Tapos tingin kay pamangkin sabay ngisiย .
Ayos, may palusot ako!ย ๐ย ๐ย ๐ย ๐ย ๐
Pero totoo, di pa ako nag-aagahan non eh around 2 PM na rin nung kumakain kami.
Kalokang bata!!!
Ang ending? Medyo nadamihan ni server yung nilagay sa plate ko so sabi ko sa pamangkin ko na kumuha sya ng konti para naman mabawasan pa rin yung kakainin ko. Sige daw. Eh di binigay ko sa kanya kalahati! Aba, naubos. Ayun, asar talo rin sa akin! Hahaha!ย ๐ย ๐ย ๐ย ๐
Pero seriously, lagi ko silang nireremind to watch out din. Huwag gayahin si tita na nagpabaya. So ayun, binabalik lang sa akin actually ang mga bilin ko sa kanila hehehe.
At sya nga pala, sya rin pala yung same pamangkin na napagdiskitahan ang bilbil ko dati.ย ๐ณ
Recent Comments