Day 01 | Day 02 | Day 03 | Day 04 | Day 05 | Day 06 | Day 07 | Day 08 | Day 09 | Day 10 | Day 11 | Day 12 | Day 13 | Day 14 | Day 15 | Day 16 | Day 17 | Day 18 | Day 19 | Day 20 | Day 21 | Day 22 | Day 23 | Day 24

Day 25: Someone who fascinates you and why

Hirap na hirap akong mag-isip kung sino. Hindi ko alam kung bakit. Or baka dahil maliit lang naman ang network ko. Baka nga ganon. I don’t know a lot of people.

Pero may naisip naman na ako. She’s my friend’s friend. See? Di ko pa talaga sya friend. We call her Lyn the investor para hindi nakakalito. Meron pa kasi syang other acquaintance na Lyn din ang name.

Anyway, na-meet ko once si Lyn the investor when we attended one of BPI’s sponsored financial seminar in 2014. Mabait naman sya and down to earth kaya mas lalo akong na-fascinate. Si Lyn the investor ang idol, mentor at kunsensya ng aking friend pagdating sa personal finance aka frugality and practicality. Madalas syang ikwento sa akin ng friend ko kaya ko sya kilala na kahit di pa kami nagmimeet. Si Lyn kasi yung type na may social life pa rin kahit frugal. Pero resourceful as to how she can maximize her money and she also makes sure that she gets her money’s worth. Kumbaga, magtipid hangga’t kayang makatipid para sa mga needs and wants. Yes, may wants pa rin sya. Kunwari, umiinom sya pero gagawin nya yun sa araw na usually may promo. Naka-inom na sya, nakatipid pa sya hehe. Ganon sya. So kami ng friend ko, minsan, pag pawaldas na kami then bigla namin marerealize na hindi gagawin ni Lyn yun if sya yung nasa position namin, natitigil kami, lalo na’t mas malayong mayaman naman si Lyn sa amin tapos ganon sya kaalaga sa finances nya. Kami na lang yung mahihiya sa mga sarili namin di ba? Hehehe. Pero may times syempre na nakakalusot pa rin ang pagwawaldas hahaha!

Bow.