Day 01 | Day 02 | Day 03 | Day 04 | Day 05 |Day 06
Day 07: Your favorite childhood toys
Hala! Wala akong toys nung bata. Seriously. As early as 6 years old kasi, nagluluto na ako sa bahay ng kanin. Tandang tanda ko ito kasi summer bago ako mag-Kinder nung pinagsaing ako ng nanay ko. Akala ko hugas bigas at ilalagay lang sa kalan, yun pala pati pagbabantay ako na hehehe. Ako rin ang taga-bantay kay bunso noon while the parents are in the garden. Then as early as 7 years old, nasa taniman na kami ng sayote every weekend for harvest. Plus other household chores like igib ng drinking water sa spring. Eto medyo di ko gusto kasi ang bigat kaya ng 5 bote ng tubig na nakalagay sa 4×4 na gin bottle hehehe. At di lang single trip kasi malakas uminom ng tubig nanay ko that time. Kaya nyang ubusin ang isang bote in 1 go. I think water therapy kasi sya non for her kidneys eh. So, no designated hours for play time talaga sa bahay.
Ang natatandaan ko lang talagang toys ko before was 1) torotot nung isang pasko, 2) plastic doll na di ko na maalala kung sino nagbigay, 3) doll na bigay ng mga madre nung Grade 2 ako. Kinalakihan ko yun pero not sure kung san na napunta. Mahanap nga.
So, favorite games na lang! Eto at least nakakapaglaro naman kami sa school nung bata kami during breaks hehehe. And on rare occasions din sa bahay. Pero super rare lang talaga ito.
- Washington – takbuhan galore kaya gusting-gusto ko hehehe. Not sure kung bakit ito ang tawag namin before pero basta hahabulin mo yung kaaway at wag kang papaahbol sa kaaway, ganon.
- Patintero – another faovirte! Mahirap akong ma-out kasi maliit ako at mabilis tumakbo 😛
- Piko (hopscotch) – naku dami naming variations ng drawing for this. May cabinet at dress. Yan lang natatandaan ko hehehe.
- Sipa – eto gawa lang sa dahon ng certain grass na marami sa school compound. So every play time, bago hehehe. Yung sa mga boys, gamit nila yung bilog na bakal na may butas sa gitna eh tapos plastic lang yung nilalagay para sa buntot.
- Bahay-bahayan – with all the works. Lahat ng klase ng dahon, iniipon namin panggawa ng bubong at dingding hehehe. Naku, kawawa naman yung mga alnus trees na binabalian namin ng sanga noon hahaha.
- Chinese Garter – kahit lagi akong taga hawak lang dahil lagi akong out sa liit ko. Pero ine-effort ko pa ring talunin dati kahit mataas na hehehe.
- 10-20 – pag sawa na sa Chinese garter, ito naman.
- Taguan – syempre pagalingan ng pagtago hehehe
- Langit-lupa – pag langit, dapat nakaapak ka sa something elevated, pag lupa, apak ka sa lupa
- Tumbang Preso – another favorite. Nung bata kami, we can go to school in slippers na pabor naman para makapaglaro nito hahaha.
- Ubusan Lahi – isa pa ring takbuhan kaya gusto ko
- Teks – yun ay kung may nakukupit ako sa kuya ko hahaha! Di kami binibilhan nito so ang diskarte ay manghingi ka tapos makipaglaro ka at siguraduhin mong manalo ka para dumami sa ‘yo!
- Jackstone – limot ko na lahat ng exhibitions ata 😥
- Top (kampuso tawag namin) – di ko sure kung top ba tawag sa kanya pero basta kampuso sa amin. Ito sya.
Panglalaki pero gusto ko rin. Made of wood pero pwede ring made of plastic. Tutunaw ka ng sangkatutak na plastic at imomold mo sya into a top. Mas gusto namin yung wood. Tuwing bagyo, inaabangan namin if may mababaling sanga ng bayabas ng tita namin kasi mas matibay if made of guava wood hahaha. One time, meron nga ata kaya ginawan kami ng tatay namin :-P.
- The farmer in the dell – alam nyo ba ‘to? Song sya na pwedeng gawing game. May isang ‘it’ sa center tapos may mga holding hands na umiikot sa kanya. Kada stanza nung song, may hihilaing tao sa gitna. Memorable ito sa akin nung Grade 4 kasi naging ‘it’ yung crush ko tapos yung first na hihilain ay ‘wife’ at ako yung hinila nya! Nag-uumapaw ang kilig ko noon sabay tingin sa ibang girls na alam kong may crush din sa kanya hahahaha! Talandi!!!! Lyrics here.
Credits to http://larong-pinoy.weebly.com/all-traditional-filipino-gamescompilation.html for the list of games!
Those are just some of the games I can remember. Dati pa in some of the games, to be continued the next day and the next day and the next day ang peg namin. Tatandaan namin yung ‘it’ for the day and sya pa rin yung ‘it’ the next day pag itutuloy na naming yung game. Ang sarap lang maging bata hehehehe. At least naranasan ko pa rin naman maglaro nung bata ako. When I have kids, I’ll make sure na maglalaro din sila ng outdoor games and not just games installed in the gadgets.
Nakakamiss maging bata, puro laro, kain at tulog lang ang naiisip ko nun, hahaha. Tapos sa probisnya pa, so andami talagang kalaro na puro mga pinsan at kapitbahay. Safe na safe, at laging masaya. Yung sa sipa na bilog na bakal na may butas sa gitna, tingga yun. At yung top, turumpo naman ang tawag samin. Bakit nga kaya matibay pag gawa sa bayabas? 🙂
Tama! Hahaha. I think mas “siksik” kasi yung quality ng kahoy ng bayabas so mas mahirap magcrack hehe.