August 29 – September 4, 2016
Squeezing in some blogging time while we are on break.
About this blog’s title – sa dami kasi ng retests namin, di ko na mantandaan what test scenarios we ran and when. Sa haba ng work hours namin, di ko na mantandaan if kaninang umaga ba yun or kagabi pa. Kaya ang lagi kong tanong or line ay kung kailan ni-run yung process or “basta yung process na ni-run natin this morning, or kagabi ata yun, basta yung before this” kasi nga di ko na ma-reconcile ang date at day hehehe.
Yes, it’s still all about work. Di pa rin kami tapos! Last Thursday alone, I was working for 36 hours. Insert maybe 2 15-minute power naps and a 1.5 hour nap while riding an Uber and medyo traffic. For the first time, I was thankful for traffic. I had the time to take a nap. Kasi pag nakauwi ako agad, mapipilitan akong mag-online agad at magtrabaho uli. Kaloka. And thank you to my uber driver. Wala, drive lang sya. At grabe talaga pero thank you at saktong nagigising ako sa mga times na may tanong si uber driver like if kakanan na ba somewhere or saang gate papasok. Otherwise, baka di ko na alam kung san ako napadpad hahaha. Kiber na ang almost katumbas ng Baguio fare ko na uber fare.
Our weekend was sleep and more work. More work. We just all went for break for 4 hours today for some church and family time. Good thing we can work from home, especially for those who have families. At least while may waiting period kami, they can squeeze some time for their kids, or at least meals with their families.
Ako naman, naku naisip ko ngayon, if may sarili akong family, kawawa siguro. Ang init ng ulo ko at sobrang stressed kasi ako.
*****
Wait, atat itong ka-meeting namin. Nag-IM na. 10 PM pa dapat eh. Meron pa akong 15 minutes. Baka may lakad si koya hahaha. Brb.
*****
Back at 11 PM.
Anyway, so ayun. Naiisip kong baka kawawa ang family ko in case meron ako ngayon. Imagine, sungit to the highest level na nga ako, uuwi lang ng bahay para matulog for a few hours ang gagawin ko. Or if nasa bahay man ako, di naman ako makakausap. Ultimo itext ang BF ko, di ko dinadalasan kasi minsan di ko magets jokes nya at baka maaway ko pa sya hahaha.
Pero on the other hand, baka iba pa rin naman if may family na. Kasi syempre loved ones mo yun eh. Sila ang inspiration mo. So siguro baka kahit anong hirap nitong ginagawa namin ngayon, baka napapawi nila somehow yung hirap.
Another long night tonight since we need to retest a scenario. Buhay IT.
Kanina, while I was in church, ipinagdasal ko na lang na bigyan ako ni Lord ng more patience and room for understanding for my teammates. Yung nakakadagdag kasi talaga sa stress ko is yung aware ako na nasa call lang naman sila or during the discussion or clarification of some items. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit after a few hours eh tinatanong uli yan. Don talaga ako sumasabog eh. As in pet peeve ko yan. Kasi naman di ba? Is that not a waste of time? I think kasi na dapat each one should have his own way of remembering things. Like if alam mong di mo matatandaan, then write it down. Mag-notes ka, ganon. Or basta find a way na matatandaan mo ang mga bagay bagay. But ayun, ipinagdasal ko na lang na tanggalin na ni Lord ang lahat ng ill feelings ko towards this project and some team members and that I just focus on rolling this out.
Umabot kasi ako talaga sa point na magroll out na lang kahit di ako confident na ok na talaga lahat. Ang tindi na kasi ng pressure from higher management. Pero syempre nanaig pa rin ang pagka-OC ko and di ko ginawa kasi alam kong sasabog uli ito pag pinilit naming i-rollout. E di wala, baka sa kangkungan kami pupulutin nito. At kasi basta gusto ko nang lubayan kami nitong project na ito. And mangyayari lang yun if we deploy a bug-free system. At sabi nga ng boss ni boss, do it right the first time. Oo, agree ako don. Mantra ko yun especially when it comes to systems eh. Meron kasing famous line na there is no 100% bug free system or something to that effect. I don’t agree. We can have a bug-free system if we do our due diligence. Mag-eerror man yan, either user or data error, na si user din ang nag-input…so…user error pa rin hehehe. Dahil dito, nasabihan na rin ako way back that my standards are too high. I don’t think so. But this is for another time if naalala ko uli hahaha.
Ang ipinagtataka ko lang, sa dami ng puyat namin, bakit di pa rin ako pumapayat?! Kainesh. Ay teka, paano pala ako papayat eh kaninang may free time kami at sumaglit ako sa mall, puro junk food ang bitbit ko paglabas ng grocery. May kasama pang cake hihihi. At nagtataka pa rin talaga ako eh ‘no? Hahaha!
Ang sad pala yung sa Davao bombing. Iwas ako sa internet kasi for sure maraming negative reactions na naman, especially that it happened in Davao. May napanood lang akong video about PDu30 visiting the site and the victims at the hospital. Nakakaiyak at nakaka-touch. Pero nakakalungkot talaga na ibang Filipinos pa ang mga pangunahing bashers. Nakaka-ewan sila.
Hindi ko pa rin nasisimulan ang aking 30-day challenge. Kaloka that hehehe. In time, pag nakatulog na uli ako ng sapat. Medyo na-iistress din akong September 1 na di ko pa nasimulan then bigla ko naisip na pwedeng Day 1 anytime naman. Duh!
I heard holiday ang September 12. Sana totoo. Looking forward to that. And hopefully, this time, holiday in the real sense na ang mangyayari sa amin. Last August kasi, sa dami ng holidays, di man lang namin naramdaman kahit isa. Kaloka.
O sya. Have a great week ahead.
Ay, pahabol. Swak ito sa akin. Sige, noted ho, Spirit Science :).
Kaloka yang work mo, wala palang tulugan pag may mga issues na ganyan, ano. Pero I’m sure nacha-challenge ka at happy ka dyan. Pasasaan ba at matatapos din yan at makakabawi ka na ng pahinga. Natawa ako dun sa hindi ka pumapayat tapos yun pala di ka nakakalimot bumili ng food sa grocery, hehehe. 🙂
Medyo nakakawindang sya pero ngayon na lang naman uli ito after more than 5 years hehehe. At tama, matatapos din ito, SOON! Stress eating kasi! Hahaha. Supportive naman ang isang friend ko. “Screw dieting. Saka na pag tapos nyo na yan!” Hahaha!