August 22-28, 2016
Rant post. Proceed with caution. Or skip.
I have never been pissed with overtime work in my entire career life until today, or last week. I don’t mind rendering overtime at work kahit pa unpaid na yan because of my job grade. But I lost it last Friday when we were asked to work on Saturday. Bakit? Long weekend di ba? Naka-plan na akong umuwi ng Baguio kasi. Dala ko na nga mga gamit ko sa office eh para diretsong terminal na. Kaso ayun nga, we need to work on Saturday. So, fine. Pwede pa rin naman akong umuwi ng Sunday ng madaling araw if natapos kami ng Saturday.
Eto na ang Saturday. First round of testing pa lang, error ang system. Ni hindi man lang ma-generate ang file na kailangan naming icheck. And then the error is dependent on someone who is from another part of the world. So mambulabog pa. At sabi na-check. Eh bakit may error?!!! Hay talaga. So ayun, while the rest of them went on with their lives, I was stuck at home at wala rin namang dulot ang sakripisyo kong wag na lang munang umuwi kasi hindi naman kami natapos ng Saturday. Basta ang dami nilang kailangan ayusin before we can continue testing. And then, touchpoint meeting on a Sunday night na dapat 30 minutes lang pero napunta sa more than 3 hours. And ako talaga ang gumagawa ng mga dapat kayo ang nagpoprovide sa akin? Buti na lang natauhan ako bigla at pinagpilitan kong kayo na lang magbigay. And resume testing today. So kung umuwi ako, pointless di ba? Dahil bukod sa mang-iistorbo ako sa tito ko dahil sa Internet nila, di ko rin magagawa yung mga dapat lakad ko doon.
And today? May error pa rin. Nagcheck pala ha. Nagcheck pala!!! And you have the guts to ask me about requirements? We were all in that meeting. I made sure simple requirements na lang so that you don’t have to code complicated logic. Inisa-isa ko kayong tinanong in that meeting if you had further clarifications with the client. No one asked me further questions during the time you were doing the code change. So meaning to say, you understood what needs to be done, right? And then what is the requirement, you say? Why? Just why?
Hay. Yesterday’s gospel was about humility pa naman. But I can’t help but rant still. Hindi ito makatarungan. Basta hindi. Everyone should ensure correctness and completeness of their deliverable before passing it on to the next group. And don’t be defensive. Nagtatanong rin lang naman ako. And don’t tell me that another person did that. As part of the project team, dapat alam nyo kung paano tumatakbo yan from end to end. Wag yung puro kayo hindi ko alam kasi si ganito ang gumawa. May code trace naman. Mag-effort naman kayong magcode trace. Susko, mas alam pa ng sumalo lang nyan dahil nagresign ang original team member.
Anyway, I need to stop na. This negativity is consuming me for several days already. Baka ikamatay ko pa. I need to move on…and wait some more (putik talaga). But note to self: don’t get involved with technical stuff unless asked.
On the other hand, Sunday was at least ok naman. I went out para maiba man lang. Mass then mall. But I went home right away kasi pupunta yung friend ko para ma-copy ko ang Descendants of the Sun. Eto na nga sana yung pinapanood ko ngayon eh. Pero ayun, olats. Plus, massage. Ang sakit sakit na kasi ng katawan ko kakaubo. Little to no phlegm. Ang kati-kati lang ng lalamunan ko na nakakatrigger ng ubo. Di ko rin alam ang cause. Yun sana ang isang gusto kong ipacheckup over the weekend eh. I resorted to semi-salabat muna (semi kasi binababad ko lang few slices of ginger sa hot water. Di ko keri yung kasama syang iboil eh hehehe). Medyo ok na pero meron pa rin.
Plus, I was able to sort out and declutter some things. And tried cleaning the silver rings that I bought way back. Gusto ko na uli suutin eh hehe. Pero nangitim na sa tagal nakatago. How? Landry detergent + hot water + foil sabi sa net. May explanation sa net anong kinalaman ng foil. Ok naman, but I also tried it with vinegar + foil. Sabi kasi use vinegar to bring back shine and luster. Nakababad pa ngayon. Pero actually, di ko na rin kasi matandaan ano bang shades nila nung una kong binili hehehe. Baka naman yun na yun after babad sa laundry detergent. But since may suka naman, ni-try ko na rin. Malaman.
Eto last na talaga. It’s hard being an adult sometimes. Hay, masilip na nga ang budget file while waiting. Sumahod na raw kami last Friday pala. Akala ko, a day than usual dahil sa transition period. Yey for that.
Puso mo, Mylene! Inhale, exhale. Hehe. Naku, sobrang pinakinggan ko yang humility sermon ni Father sa church. Mahirap pero doable (repeat to self 100x). 🙂
Hahaha! Hay tanggap ko na ang mga pangyayari nung long weekend. Looking forward to the days na lang na pwede na akong mag-offset. At least nakapag-imbak naman ako ng pnag-offset hehehe.