This is especially dedicated to all parents who are having kids or thinking of names for their kids. And a note to myself when the time comes that I become a parent.
Dear parents,
Please do not give your babies with extra long names. Why? For the obvious and most common reason that it will be hard for them to write it on their papers when they start school. Sumasagot na ang classmates nya, sya nagsusulat pa rin ng name. Worst pa if di nya mapagkasya sa paper di ba? Stressful sa bata.
The second reason is that, most likely, magiging cause of issue yang mahahabang names na yan pagdating sa automation. Naku Naku! Maisusumpa kayo ng mga software developers nyan talaga!
Di ba uso na ngayon ang system automation? Uso na ang email address. Kahit sa FB, need yan kung ayaw mong mobile number ang pang sign up mo. At di ba sa companies, uso yung mga email addresses for their employees under their company domain names (yung email@companyxyz.com ganon). So what? What’s the big deal about it kung mahaba name mo?
Ganito kasi yun sa software development. Lahat ng data, naka store yan sa isang database. Imagine Excel file at nandon lahat yung names ng employees. But a database is a more robust data storage. So each information, may katumbas na space allocation don sa storage and syempre we have to put limits. For example, last name, until 30 characters lang kasi napaka-unusual naman to have a last name with more than 30 characters di ba? Why? Una, to save space. Kasi if dagdagan namin yang 50 ng additional 50, waste of space na yun. Second, security. Pwede kasing magsend ng malicious code and matatanggap yun ng system at kung magaling talaga ang hacker, goodbye important data na yan. Ganon.
Tapos di ba nga uso ang email addresses. Usually sa companies, meron silang naming conventions for email addresses. The common ones are firstname.middleinitial.lastname@companyname.com or firstname.lastname@companyname.com. Ganyan para readable and madaling marecognize ang employee. So imagine if mahaba na ang first name ng anak nyo. Isama mo pa ang last name. At mahaba rin ang company name. E di isang mahabang email address yan. Tapos system ni company, ang email address storage lang ay 50 characters. Ay patay na. Error!!!! Tapos hahanapin ni developer ang cause ng error and lead to that special long name. Sobrang nakaka-stress po yun sa amin. At napapamura din talaga kami minsan. Kasi naman…ang hirap mahanap these kinds of errors kaya uber headache sya for us.
Kung masyado pa ring technical ang dating, basta ganito lang ho. Uulitin ko uli. Please don’t give your kids unusually long names. Isipin nyo na lang for world peace hehehehe.
Love,
Mylene who works on systems
P.S. This post was inspired by the recent error we experienced. The system was running ok for one week and then suddenly it stopped and started throwing errors. Upon investigation, we found out that it was because of that ONE very long email address. Nakakaiyak pramis. Sniff sniff sniff. 😥 😥 😥
Recent Comments