Happenings/observations/memes while commuting.
10.01.2015
Palabas ako sa Shang exit that connects to the MRT. Revolving door yung exit. Biglang may mamang pumasok using the exit door kasi medyo may pila sa entrance. But that’s an exit door, dude! Gusto ko syang sitahin pero may glass covering him eh. Tinaasan ko na lang ng kilay.
Sa MRT, may arrows indicating where to stay in line for those riding and for those alighting. Dumating ang isang girl, tumayo sa gitna ng arrows. Pinagsabihan ko kahit may kausap sa phone. Sumunod naman. Good girl. Pero next time girl, matutong sumunod sa policies/guidelines kasi. Same eksena sa LRT naman. Napagod na akong manita. Next time na lang.
10.02.2015
May girl na biglang huminto right before stepping on the escalator. Tila may hinihintay na text bago magdecide if akyat or not. Muntik ko na sya mabangga. Girl, next time, tumabi naman muna ng maayos if hindi pa decided kung sasakay or not. Thank you.
10.13.2015
Hindi ako sumasakay sa cars reserved for pregnant women, senior citizens, people with disability and those with young kids both for MRT and LRT. Pero kanina, bilang hinahabol ko yung kararating na LRT (with matching takbo going up the escalator), pumasok ako sa first door thinking na lipat na lang ako sa area designated for the masa. Kaso may harang palang kadena hehe. May isang buntis na ang tagal akong tinitigan. Siguro iniisip if buntis ako. Bilang marami akong extra fats, sana inisip na lang nyang buntis ako hahaha. Ang awkward lang kasi etong si ateng kung makatitig parang mortal sin ang sumakay sa areang para sa kanila. Buti na lang may kasama akong mamang di naman senior at mas lalong di buntis :p. Tiniis ko na lang ang mapanuring titig ni ateng since 2 stations lang naman ako. Pero kalurkey pa rin hahaha!
10.14.2015
Medyo feeling sosyal ako kaya naka-Uber ako ngayon hehe. Joke. Ang totoo, late na kasi ako so kailangan magmadali.
Anyway, sa Greenhills ang daan and medyo traffic. Nung nasa intersection kami ng Ortigas Ave. at Connecticut, may 2 cars na biglang tumawid while naka-green pa yung side namin. Since traffic nga, medyo napahinto kami sa mismong gitna at harang sila. Bigla ba namang bumusina yung isa. Napalingon uli ako sa stop light. Green pa rin naman. Pinandilatan ko sya at kiber na if nakita nya o hindi.
Dear driver, please don’t drive if you don’t know how to read traffic rules or you don’t have plans of following traffic rules. Thank you.
Recent Comments