Dear Mama and Daddy,

How are you both? Missing you guys so much but I’m sure you’re having a grand time with the Father up there. Grabe, dati, dear Mama lang. Ngayon dear Mama and Daddy na. Kalurkey kayo. Nag-usap ba kayong magkasunod kayong aalis ng less than 2 years apart? Di man lang nagtagal ang isa sa inyo para makita ang apo sa akin. Nanawa na ba kayo sa kakahintay? Nawalan na ba kayo ng pag-asang magkaka-lovelife ako? Hahaha!

And speaking of lovelife…Mama grabe ka! Hahaha! I learned something recently. Ginawa mo talaga yun?! Kaloka ka hahaha! Masyado na ba talagang bothersome sa yo ang pagiging single ko at kinailangan mong gumawa ng da-moves mo? Kulang na lang idaan mo sa fixed marriage eh. Buti na lang subtle ka lang duma-moves. Hahaha! Pero susko ka inay! 😛  Sabi ni koya, ang pagkakaintindi daw nya nung una, meron daw akong 7 kids hahaha. Sabi ko baka 7 grandkids ang sabi mong meron ka haha. Pero thanks, Ma. By learning about it, mas kampante na ako dahil feeling ko nascreen mo na sya. Kami na po ahihi! Sabi pala nya, sana buhay ka pa. Siguro para may kakampi sya lalo na pag inaaway ko sya hahaha. Pero pakibatukan na lang kami pag umiral ang katigasan ng mga ulo namin hahaha!

O sya. I’ll see you both sa Undas. Ako po ang dadalaw sa inyo. Wag na po ninyo akong dalawin at baka mawala pa kayo hehehehehe. Nga pala, gusto nyo ba talaga ng puting mansion? Or gusto nyo ng other colors next year? Hehe. E kandila, anong kulay gusto nyo? Let me know in my dreams, ok? I love you and I miss you both. Please continue watching over us.

Love,
Mylene