• Buti naman at ayon sa latest news, humina na si Typhoon Ruby. Akala ko nung una, Ruby ang international name at Hagupit ang local name. Napaisip tuloy ako if talagang nasa letter H pa rin ba to think na December na. Ayun, boom mali! :p
  • Naiwan ko ang payong ko sa taxi. Paano kaya ako makakapasok bukas kung maulan pa rin? Di rin pwede WFH kasi may face-to-face meeting naman. Olats.
  • Pumepetiks na naman ako for school. Still need to complete 2 final exams and 1 reaction paper. Masyado akong nastress sa isang project that we reported last Thursday kaya sabi ko break muna sa school work. Kaso nawiwili na nyahaha. Ok, bukas gagawin ko na yung 2.
  • Buti na lang take home na yung 2 exams. Ayaw ko na pumasok talaga with the traffic and all.
  • Gusto kong magregalo sa mga batang mga pamangkin. Kaso ayaw kong makipagsiksikan sa mga tao everywhere! Nakaka-stress. Tanders na haha. Sa Baguio na lang siguro ako bibili.
  • Di na ako mag-aattend ng year end party. Stressful din sya kesa fun eh hehehe. First time ko naman umabsent eh. Keri na.
  • Tuwing bagyo na lang, maraming nawawalan ng kuryente dahil sa mga nasisirang lines. Bakit kaya hindi nila iupdate ang technology in electrical lines? Di ba pwedeng ibaon na lang ang mga wires? HK did it. Other countries did it.
  • Bakit ba ang haba-haba pa rin ng commercials kahit gabi na? Dapat minimal na pag news programs!
  • Either hindi na ipapalabas ang On The Money or super delayed lang dahil sa Typhoon Ruby reports na nasisingit sa regular programs every now and then.
  • Di pa final ang Christmas and New Year plans ko. Nakakatamad magbyahe sa totoo lang. Mukmok na lang kaya ako sa bahay? Ay kaso may study session pala kami ng kapatid ko.
  • Next year, gusto kong mag-new year sa ibang bansa. San kaya?
  • Di pa ako nakakapagdraft ng “rules” ko sa pagpapa-aral sa pamangkin ko. Susko totoo ba ‘to? Wala pa man akong anak, magpapa-college na ako?! Nooooo!!! Chos! Pero naku!!!! Pag etong pamangkin ko, hindi pa tumino, ewan ko na lang! Last chance na nya ‘to. Sakit sa ulo. Kay agang naglaro, ayun tuloy, nadagdagan apo ko hmp!
  • Anong petsa na, hindi ko pa rin tapos ang tinetest ko. Ang kulit-kulit din ng katrabaho kong consultant. Sinabi na nung unang panahon pa ang requirement pero hindi nya ginawa. At katangahan ko rin na di ko na-explain sa kanya agad kung bakit ganong data ang kailangan at hindi yung ginawa nya. Now cramming. Toinks!
  • Nakakamiss ang BCWMH. Ang tanging series na pinanood ko from start to finish!
  • 17 days to go na lang pala before Christmas. May nagsabi ng Dyos ko Lord na newscaster hahaha! Pero naiimagine ko yung kanya as “juicecolored”, yung mga uso ngayon, tulad din ng “whogoat” para sa hugot hahaha. Kung sino man may pakulo ng mga yan, bilib ako sa mga utak nyo!
  • Talkback, overtime ka na! Asan na On The Money?! O sya, mukhang wala na talaga. Keri.