• Akalain mong sa tinagal-tagal ng isang SQL job para sa isang application, nakitaan ko pa sya ng misplaced HTML tag. Kaya pala hindi nasusundan yung nakaset na formatting sa kanya hehehe.
  • At akalain mong limot ko na ang HTML tags na dati kabisado ko years ago hmmmp!
  • At akalain mo rin na si www.devguru.com, yung site na madalas kong bisitahin pag may HTML o Javascript o ASP o XML katanungan ako nung ako’y baguhan pa lang sa trabaho e buhay pa rin hanggang ngayon at sa kanya ko pa rin hinanap ang tanong ko tungkol sa HTML ahihi.
  • At sana pala pwede rin gumamit ng CSS sa SP. Pwede naman kahit wala. Nitatamad lang akong magformat per statement kaya ko winiwish na meron :p. Sinubukan kong magtanong kay Google pero iba naman ang lumabas. Di ko na tinuloy muna maghanap.
  • Eto pa nakakatawa. Nagseset ako ng Database Mail profile sa DB. Dahil nangongopya lang ako sa existing profile at dahil hindi ko matandaan lahat ng values ng fields, minabuti kong i-screenshot na lang yung dialog box at i-paste sa Word. May mga buttons syempre yung dialog box (like Save, Cancel, etc.). After kong makagawa ng new profile, nakalimutan ko na yung screenshot ko. Akalain mong nung nakita ko yun after a while e ina-attempt kong i-click yung Cancel wahahaha. Nung ayaw gumana, saka ko narealize na screenshot lang pala yun hahaha. Amp.