Nakita ko sina Kuya Mike at Jun at Ate Chin at Mico sa SM Baguio kahapon! Grabe! Unexpected. Si Kuya Mike at Jun ay mga kapatid ni Paz, friend ko since high school pero nameet ko na lang sila nung college na kami. Dito kasi kami naging mas close ni Paz at madalas akong pumunta sa kanila tuwing breaks sa school o don ako nakikitulog kung ginagabi kami sa school dahil sa projects. Kulang na lang ampunin nila ako hehehe. Sila ang naging second family ko noon. Si Ate Chin ang asawa ni Kuya Mike and si Mico ang kanilang unico hijo.

Last kong nakita si Jun nung tinatapos ata namin yung thesis namin. Basta, nung nagwork na ako, hindi ko na sya nakita. Si Kuya Mike naman, nung 2005 nung sinama ako ni Paz sa company outing nila.

Kumustahan syempre pero ito yung part ng conversation na nakakatawa talaga hahaha. Not the exact lines pero close to it.

Me: Kuya Mike!
Kuya Mike: Uy kumusta kan? Ada ka gayam ditoy. (Uy kumusta ka na? Dito ka pala.)
Me: Wen, nagbakasyon lang biit. (Oo, nagbakasyon lang saglit.)
Jun: Sino kadwam? (Sino kasama mo?)
Me: Diay friend ko. (Yung friend ko.)
Jun: Blooming ka ah. Blooming isuna inya. (Blooming ka ah. Blooming sya ano. – – nakatingin sa kuya nya for affirmation.)
Me: Duh! Hahaha! (As in napatawa ako ng malakas kasi pucha haggardness kaya ako nung time na yun kakasukat ng mga damit hahaha. Di ko alam kung sarcastic sya non o wala lang masabi hahaha.)
Kuya Mike: Ket kumusta ngay? Nakiasawa kan? Ni Paz adan iday America. (So kumusta ka na? Nag-asawa ka na ba? Si Paz nasa America na.)
Me: Haan pay. Wen, nagchat kami idi New Year. Idiay ko met lang naamuan nga nakiasawa isunan. (Hindi pa. Oo nga eh. Nakachat ko sya nung New Year. Don ko nalaman na nag-asawa na sya.)
Kuya Mike: Haan pay? Agpapabaknang sa laeng met ti ar-aramidem. Kitam ketdi ta makiasawa kan. (Hindi pa? Nagpapayaman lang ata ginagawa mo eh. Mag-asawa ka na.)
Me: Aguray pay ta ada project ko. (Teka lang muna. May project pa ako.)
Jun: Haan ka pay nakiasawa? Syak haan pay met. Malay mo ngay gayam…hehehe (Di ka pa nag-aasawa? Ako rin hindi pa. Malay mo pala…hehehe – – Sabay tingin kay Kuya Mike na nakangiti)
Kuya Mike: Wen ngarud. Malay mo ngay nga agpayso. (Oo nga. Malay mo nga talaga – – at nakatingin din sa kapatid hahaha.)
* Basta ang iniimply nila, malay daw namin baka kami daw pala ni Jun. Hahaha!
Me: Hahaha! (Eto lang ang tanging reaction ko sabay nakipag-apir na lang kay Jun wahahaha.)
Kuya Mike: Nu makiasawa ka, alaen dak nga Ninong. Galante ak nga ninong. (Kung mag-aasawa ka, kunin mo akong Ninong. Galante akong ninong.)
Me: Sige ba! Promise yan ha?
Kuya Mike: Wen. Basta alaen dak. (Oo. Basta kunin mo ako.)
Jun: Wen, ok isuna. Ok lang met kenka nu bayaw mo ti Ninong mo di ba? (Oo, ok sya. Ok lang naman sa ‘yo kung brother-in-law mo ang Ninong mo di ba?)
Me: Hahaha!

Panalo ka talaga Jun! Hahaha. Naku, pasalamat ka mahina akong makiride on sa mga jokes mo. Kung hindi, baka natali ka ng wala sa oras hahaha. At syempre kahit kailan, di talaga ako marunong magreact sa mga ganyan. So manang. Amp!

*****
Kanina sa wedding ng friend ko, bigla kong narealize na kung sakaling ako ang ikakasal, wala akong maisip na pwedeng makuhang Ninong at Ninang. Nung nagvolunteer si Kuya Mike, naalala kong nasabi ko pala sa sarili ko noon na pag ako ang ikakasal, kukunin ko sina Momsie and Popsie (parents nina Kuya Mike) as godparents hehehe.

At ngayon ko rin lang naalala. Teacher ng ate ko si Popsie nung high school sya. Small world grabe.