So eto na. Ako ang sumalo non. Medyo natatakot ako pero hoping for the best pa rin. At least may ilang araw akong magpreprepare emotionally.
At oo, may mga pagkakataon talaga palang no choice ka.
*****
Di ko pa rin alam kung saan ako sa holidays. At this point, 90% na Manila ako. Huhuhu. Kung dito nga ako, sana may umampon sa akin sa Noche Buena :p
May choice naman ako actually na umuwi sa Tagaytay para mas malapit eh. Pero hmmm…Baguio pa rin gusto ko!
Uy, may choice ako dito hehehe.
*****
Pinag-iisipan ko pa kung ililink ko na rin sa Multiply ang Blogspot ko. Ayaw kong gawin noon kasi blocked ang Multiply sa office. Paano pa ako makakapag-update di ba? Hihihi. Pero ngayon kasi, accessible naman na sa bahay. :p
O ayan, choices na naman!
*****
Malapit na mag-1 year ang Outdoor club sa office! At for renewal na kami next year. Syempre may utang pa kaming (mga nautusan hehe) BMC curriculum sa aming POC hehehe.
Ito hindi na may choice or no choice. Choices lang ang name ng umbrella group ng different clubs sa office. 🙂
Recent Comments