Dahil gustung-gusto kong kumain ng kanin kaninang madaling araw, niyaya ko ang aking mga officemates na kumain. Di namin alam kung san nung una pero bigla kong naalala ang Something Fishy (Eastwood, Libis)! Once pa lang akong nakakain don pero gusto ko uli kasi sobrang sulit. Sa murang halaga, may eat all you can breakfast ka na. As in eat all you can. Maraming choices ng ulam. Hindi tinipid. More than ten ata yung selection ng ulam. May soup, pancake at deserts pa! So sulit talaga. Panalo. Kaya tinodo na rin naming ang lamon. At sobrang nabusog hihihi. Pero pagdating ko sa bahay, parang gusto kong isuka lahat ng kinain ko kasi sobrang uncomfortable ng feeling wahahaha.
Habang kami ay nagpapahinga sa paglamon, kwentuhan muna ng kanya-kanyang buhay. Nakakatuwa lang na may mga ganitong pagkakataon na makapag-usap kami ng hindi tungkol sa trabaho. Kaya naman kami inabot don ng 5 AM na hihihi. Nakakapagod pero nakakatuwa. Ngunit subalit datapwat mas nakakatuwa sana kung…ay ano ba yun. Bakit may ganon. Ahihi.
sana kung?!? >:)
@makre: sana kung…alam mo na yan, 101.9, for life! Wahaha!